Dumalo ang 68 estudyanteng mamamahayag mula sa Iligan City East National High School (ICENHS) sa dalawang araw na Division Schools Press Conference (DSPC) training na ginanap sa Suarez Central School, noong Hulyo 30–31, 2025 kasama ang mga kani-kanilang tagapagsanay.
Layunin ng naturang pagsasanay na ihanda ang mga mag-aaral sa darating na DSPC sa Setyembre 5-7, 2025.
Naging interaktibo ang training sa pamamagitan ng mga aktibidad tulad ng news writing, interview simulation, at mga usapin ukol sa iba’t ibang sangay ng pamamahayag.
Tinalakay rin sa mga sesyon ang pagsulat ng balita, editoryal, lathalain, isports, at iba pang kategoryang kabilang sa kompetisyon.
Pinangunahan ang pagsasanay ni G. Alvin Hizon, isang kilalang tagapagsalita at eksperto sa larangan ng campus journalism, na isa ring propesyonal na mamamahayag mula sa Maynila at batikang hurado sa mga schools press conference.
Ayon pa sa tagapagsanay ng ICENHS na si G. Jumari S. Sapio, “Advantage ito para sa mga first timers dahil comprehensive siya magtrain at meron ring mga update sa paraan ng pagsulat at dahil season judge siya sa mga schools press conference.”
Ayon sa isa sa mga mentor ng ICENHS journalists, naging sulit ang ₱300 bayad sa training dahil sa kalidad ng tagapagsalita na isang propesyonal na mamamahayag at beteranong hurado sa mga school press conference.
“This training is not just a training to learn, it is a training to win the competition,” ani ni G. Sapio.
Dagdag pa niya, napatunayang epektibo ang ganitong pagsasanay dahil noong nakaraang taon, maraming estudyanteng lumahok mula sa ICENHS ang nagwagi at nakapasok sa Regional Schools Press Conference (RSPC) matapos sumailalim sa kaparehong training.
“What I hope to learn is that I can use these learnings from sir alvin for future purposes like future challenges and events,” sabi ni Zhein Nyel B. Ricardel, isa sa mga kalahok.
Patuloy pa rin ang pagsasanay ng mga kalahok sa tulong ng kanilang mga pagsasanay bilang paghahanda sa nasabing kompetisyon.