Balita

Campus journalists, sinubok sa ‘on-the-spot’ na pagsasanay

Isinabak sa ikalawang araw ng pagsasanay ang mga campus journalists sa isang on-the-spot training actna ginanap sa Suarez Central School nitong ika-31 ng Hulyo.

Bahagi ng dalawang araw na pagsasanay na ihanda ang mga campus journalists para sa darating na Division Schools Press Conference (DSPC) sa pamamagitan ng aktwal na paglikha ng mga balita sa ilalim ng pitong oras na dinaluhan ng mahigit kumulang 100 campus journalists mula sa Iligan City East National High School (ICENHS), Suarez National High School, Suarez Central School, at Tomas Cabili National High School.

Sa aktibidad na ito, kinailangan ng mga kalahok na gumawa ng siyam na artikulo, tatlong balita, tatlong lathalain, at tatlong editoryal gamit ang mga obserbasyon, panayam, at malikhaing pag-iisip upang makabuo ng siyam na balita sa loob ng itinakdang oras.

Ayon sa mga tagapagsanay, ang layunin ng ganitong uri ng aktibidad ay sanayin ang mga campus journalist sa ‘pressure’ na kadalasang nararanasan sa aktwal na kompetisyon.

“As a team, aside from focusing on our own writings and outputs, we make sure to bond well and help each other,” ani Kent Earl Cebedo, isang layout artist mula sa Filipino Online Publishing ng (ICENHS).

Napansin din ng mga guro na mas naging aktibo at masigasig ang mga kalahok habang isinasagawa ang aktibidad, na nagpapakita ng pagtaas ng kumpiyansa at kasanayan.

“Hindi madali, pero dito masusubok ang tunay na kakayahan ng bawat mamamahayag,” wika ng isa sa mga mentor ng workshop.

Sa gitna ng aktibidad, patuloy ang masigasig na paggawa ng mga kalahok ng kanilang mga output habang hinahabol ang oras, na nagpapakita ng kanilang dedikasyon at kahandaan sa mga hamong maaaring kaharapin sa aktwal na kompetisyon.

Continue Reading