Nagpakitang-gilas ang mga estudyante ng Iligan City East National High School (ICENHS) sa Division Festival of Talents (DFOT) na ginanap niyong ika 19-20, 2025 sa Iligan City Division Office.
Layunin ng nasabing kompetisyon ang maipamalas ang talento ng mga kabataang Pilipino at mapili ang pinakamahuhusay na kakatawan sa rehiyon.
Nakamit ni Jemimah Abella ang 1st runner-up sa Read-a-thon 5-Minute Advocacy Speech na patungkol sa tamang paraan ng paggamit ng AI.
“It was a good experience because I was able to put my skills into use and I also made new friends,” aniya Jemimah Abella.
Nasungkit naman ni Christiana Grace Colonia ang kampeonato sa Sulat Tanghal sa ilalim ng Sining Tanghalan category.
Samantala, itinanghal namang kampeon si Khloe Sumile sa Pintahusay, sa kanyang obra maestra pinamagatang Maria Cristina.
“I wanted to try joining more competitions on my last year of JHS,” ani Sumile, na nagsabing naging makabuluhan ang kanyang karanasan sa DFOT.
Ang mga nagwagi ay pasok na sa darating na Regional
Festival of Talents (RFOT) na gaganapin sa Iligan City.
Ayon sa mga guro ng ICENHS, ang kanilang tagumpay ay bunga ng dedikasyon, paghahanda, at suporta ng buong paaralan.
Ipinahayag rin ng mga kalahok na ang kanilang layunin sa RFOT ay hindi lamang manalo kundi maipagmalaki ang kanilang paaralan at lungsod.
Ang DFOT ay isang taunang kompetisyon na sinasagawa ng dibisyon ng Iligan City.