Editoryal

Matuto. Magsulat. Tumaas.

Sa bawat paligsahan, palaging may mga nananalo at may mga hindi umaabot sa entablado. Ngunit sa mundo ng pamamahayag, ang DSPC ay nagbibigay sa mga mag-aaral ng pagkakataong maiuwi hindi lamang mga medalya at sertipiko. Maraming tumitingin sa kumpetisyon bilang isang paraan upang makamit ang kasikatan o pagkilala, kung saan ang pinakamahusay na mga headline, layout, o talumpati ang nagwawagi. Ngunit naniniwala ako na ang tunay na gantimpala ng DSPC ay higit pa sa trophy. Ang tunay na halaga nito ay nasa karanasan at mga natutunan. Hindi ito tungkol sa panalo o pagkatalo, ito ay tungkol sa paglago bilang isang mamamahayag.

Ang pagsali sa DSPC ay tungkol sa karanasang matutong makipagtulungan sa kapwa batang mamamahayag, sa pagkalantad sa mga tunay na isyu at suliranin ng lipunan, at higit sa lahat, ang kapangyarihang magsalita ng katotohanan. “One thing that I would love to learn in this coming Division Schools Press Conference is to learn for example in the field of feature writing, so I want to create an article that is engaging, creating narratives that also possess credibility so that I can inform other people especially Filipinos about current events and situations happening around the country,” ayon ka Feature Writer Halil Repors, na nagpapakita ng kanyang hangaring matutong tunay na makapaghatid ng mahahalagang impormasyon sa mga Pilipino.

Bagama’t madalas ituring na pinakamahalagang layunin ng DSPC ang manalo, hindi ito ang tunay na diwa ng paligsahan. Mas mahalaga ang paglago na ating pinagdadaanan bilang mga kalahok — ang pagpapalalim ng kasanayan sa pagsusulat, ang confidence nabubuo sa pamamagitan ng pagsasanay at puna, at ang mga aral mula sa pagtutulungan at makabuluhang kumpetisyon. Ayon kay Sports Writer Zhein Nyel Ricardel, “Of course I think winning is not really needed or even necessary at all. This is just us experiencing our youth and it’s not mandatory nga ma daog ta. You know we’re trying to learn because we’re beginners so dili jud expected that we absolutely win.”

Dagdag ni Feature Writer Repors, “Joining DSPC can help me grow as a campus journalist since that there is a press conference, right? Through that press conference, many of the guest or judge can give an insight about what is happening to this current event and in that way you could learn from them some infos that would help you grow.” Ang pinakamahalagang bahagi ng pagsali sa DSPC ay ang hindi maiiwasang pag-unlad natin bilang batang mamamahayag. Sa pagtulak sa atin palabas ng ating comfort zone, natututo tayong magtrabaho sa ilalim ng pressure at isabuhay ang etika ng pamamahayag sa aktwal. Sa pamamagitan ng mga workshop, coaching, at pagkalantad sa mga bihasang manunulat, mas tumatalas ang ating kasanayan sa pagsusulat at kritikal na pag-iisip.

Ang DSPC ay hindi entabladong pinagsasalu-saluhan ng mga nagwagi sa kanilang tagumpay. Isa itong entablado para sa mga natututo, mga manunulat, at mga tagapagsiwalat ng katotohanan. Maaaring sumalamin sa kagalingan ang mga parangal, ngunit wala nang hihigit pa sa gantimpalang hatid ng karanasan at pag-unlad. Ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa medalya kundi sa kung anong uri ng mamamahayag ang ating nagiging bunga ng paglalakbay na ito.

Continue Reading